Linggo, Hulyo 19, 2015


TIMBANG




                      Timbang, isang paraan upang masabi mo na ikaw ay tunay na malusog. Kung ang iyong timbang ay naka-ayon sa iyong edad, maaari mong masabing "Malusog ako." Hindi masasabing malusog ka kung titignan mo lamang ang panlabas na anyo. Hindi ibig sabihin na payat ka hindi ka na malusog o kung katamtaman ang pangangatawan mo malusog ka na. Kailangan upang masabi na ikaw ay malusog, mayroong tamang timbang na nakukuha base sa pag-ehersisyo at pagkain ng tama.


EHERSISYO UPANG MAKAMIT ANG TAMANG TIMBANG


                    Upang masabi na malusog ang isang tao, hindi ito nadadaan sa panlabas na anyo. Hindi dahil mataba ang isang tao, malusog na siya. Gayundin ang kapag ang isang tao ay payat, hindi mo rin maaring sabihin na siya ay hindi malusog. 

                     Ang isa sa paraan upang makamit ang tamang timbang ay ang pag-ehersisyo. Madalas na ginagawa ang ehersisyo ng mga taong gustong gumanda ang kani-kanilang pangagatawan. Ngunit hindi lang sa pag-papaganda ng pangangatawan maaring gamitin ang pag-eehersisyo, maari rin itong maging dahilan upang gumanda ang iyong kalusugan o maging tama ang iyong timbang. 

Pagkain ng Tama


                 Pagkain ng tama ang isa sa pinakamahalagang paraan upang maging wasto ang iyong timbang. Madalas,ang ating pagkain ang nakaka-apekto kung ano man ang ating pisikal na anyo. Sabi nga sa nabasa ko, "You are what you eat." Madaming maling paraan ng pagkain ang ginagawa ng mga taong gustong maging malusog. Tulad nalang ng hindi pagkain kung ikaw ay nagpapapayat. Hindi ito isang mabuting paraan dahil ang ating katawan ay nangangailangan ng pagkain upang magkaroon tayo ng lakas sa buong araw.  
                 Ang tamang pagkain ay ang pagkakaroon ng balanseng nutrisyon sa bawat pagkain na inihahain. Ito ang paraaan upang magkaroon ng balanseng distribusyon ng lakas sa isang tao.