TIMBANG
EHERSISYO UPANG MAKAMIT ANG TAMANG TIMBANG
Upang masabi na malusog ang isang tao, hindi ito nadadaan sa panlabas na anyo. Hindi dahil mataba ang isang tao, malusog na siya. Gayundin ang kapag ang isang tao ay payat, hindi mo rin maaring sabihin na siya ay hindi malusog.
Ang isa sa paraan upang makamit ang tamang timbang ay ang pag-ehersisyo. Madalas na ginagawa ang ehersisyo ng mga taong gustong gumanda ang kani-kanilang pangagatawan. Ngunit hindi lang sa pag-papaganda ng pangangatawan maaring gamitin ang pag-eehersisyo, maari rin itong maging dahilan upang gumanda ang iyong kalusugan o maging tama ang iyong timbang.
Pagkain ng Tama
Pagkain ng tama ang isa sa pinakamahalagang paraan upang maging wasto ang iyong timbang. Madalas,ang ating pagkain ang nakaka-apekto kung ano man ang ating pisikal na anyo. Sabi nga sa nabasa ko, "You are what you eat." Madaming maling paraan ng pagkain ang ginagawa ng mga taong gustong maging malusog. Tulad nalang ng hindi pagkain kung ikaw ay nagpapapayat. Hindi ito isang mabuting paraan dahil ang ating katawan ay nangangailangan ng pagkain upang magkaroon tayo ng lakas sa buong araw.
Ang tamang pagkain ay ang pagkakaroon ng balanseng nutrisyon sa bawat pagkain na inihahain. Ito ang paraaan upang magkaroon ng balanseng distribusyon ng lakas sa isang tao.